THE FILIPINO CUSTOMER

Ilan lamang sa mga tagpong naganap sa aking pagiging grocery store clerk.

paolo: yes, sir?
customer: magkano ‘tong rice dispenser?
paolo: 49.99 po
customer: hindi ba ini-ipis yan?
paolo: sir, ang ipis po, depende sa bahay.. hindi po sa rice dispenser.

~

customer: nasan ang monggo?
paolo: aisle 4
customer: eh ang tuyo?
paolo: aisle 1
customer: eh ang sardinas?
paolo: aisle 3 ho. ma’am kung gusto niyo samahan ko na lang kayo.
customer: hindi na. eh ang gata?
paolo: ayan ho sa likod niyo.

~

customer: (nakikipag-away) bakit magkaiba ang presyo niyan?
paolo: hindi po napalitan ang price nung nagbago
customer: eh di anong price ang babayaran ko?
paolo: eh di yung actual price.
customer: hindi pwede yan, dapat kung ano yung nasa price tag.
paolo: eh bakit niyo pa tinanong kung anong babayaran niyong price?
customer: tarantado kang bata ka ha!
paolo: (natakot sa nanlilisig na mata ng customer) o sige po. yun na lang nasa price tag ang bayaran niyo.

~

customer: (nakikipagtalo) bakit itong naka-sale ninyo walang nakapaskil na sale?
paolo: hindi po talaga namin nilalagyan pag nasa refrigerator
customer: aba, mali yan! that’s deception!
paolo: hindi po deception, company protocol
customer: (ginawa akong tanga, dahil grocery clerk lang ako) ano namang alam mo sa protocol?
paolo: sige ma’am, deception na lang ulit.

~

customer: the customer is always right!
paolo: and where did you come up with that?

8 thoughts on “THE FILIPINO CUSTOMER

  1. @turismoboi
    i just did the 6 weird things about me.

    @rhey
    yikes. sorry, i didnt notice. i just posted this and then got out.

  2. Nyehehe. Ganyan daw ang mga “ibang Pilipino” kapag nakakatikim na ng magandang buhay sa Stateside. Sa opinyon ko, dapat lang na maging masaya sila sa tuwing makakita sila ng kababayan, anuman ang estado nito sa buhay.

    Nagpupumilit magpaka-lifestyle ala-Stateside…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *